GKHK FOUNDATION INILUNSAD NG PILANTROPONG CANCER SURVIVOR

“GUSTO KO HEALTHY KA”- Pormal na inilunsad kamakailan ang Gusto Ko Healthy Ka Foundation, Incorporated sa pangunguna ng Founder nito na si Dr. Rosalyn Cabuco (gitna) na siyang direktang tumutulong medikal sa mga residente ng Lungsod ng San Jose Del Monte at karatig bayan. Nasa larawan din ang mga bumubuo ng GKHK Foundation na sina (mula sa kaliwa) Victor Sajorda- Board Of Director; Carolyne Padua-Secretary; Melody Espenida-Chairman at Corazon Flores- Treasurer. (Kuha ni ELOISA SILVERIO)

 

 

NASA 500 buntis ang pinagkalooban ng libreng panganganak habang 200 pang indibidwal naman ang tumanggap ng libreng cataract operation  handog ng isang pilantropong cancer survivor mula sa kanyang itinatag na institusyon, ang “Gusto Ko Healthy Ka (GKHK) Foundation.

Nito lamang nakaraang Setyembre 14, 2022 ay inilunsad ni Dr. Rosalyn Cabuco  ang GKHK Foundation kung saan isinagawa ang formal launching nito sa City of San Jose Del Monte Convention Center na dinaluhan ng ibat-ibang civic oriented groups.

Kilala bilang Good Samaritan, si Cabuco ay na-diagnose na mayroong breast cancer taong 2017 at sumailalim sa iba’t ibang proseso ng paggamot magpa-hanggang ngayon at mula noon ay sinimulan na nito ang pagtulong sa kapwa partikular na sa mga lubos na nangangailangan.

Ang GKHK Foundation ay direktang tumutulong partikular na sa mga buntis, senior citizen, kabataan, kababaihan at mga cancer patients.

Ayon kay Melody Espenida, kapatid ni Cabuco at siyang tumatayong Chairman ng GKHK Foundation, sa mga nakalipas nilang community services ay umabot na sa 500 buntis ang nakinabang ng libreng panganganak at 200 mga pasyente naman ang na-operahan sa cataract habang 800 pang pasyente ang nakapila para sumailalim sa operasyon.

Nabatid na nasa mahigit 3,000 indibidwal naman (diabetic, high blood, heart disease) ang nabibiyayaan libreng gamot para sa kanilang medical maintenance.

Pahayag ni Espenida, sa ngayon ay 10 cancer patients pa lang ang hawak nila na tinutulungan dahil sa nagsisimula pa lang sila at kulang pa ang kanilang sponsors.

“Putting up GKHK Foundation is my sister’s dream to serve the community is now a reality, this is only the beginning of our first big step to help. We are grateful and thankful to those who supported us and believe in our advocacy to make this foundation come true,” wika ni Espenida.

 

237

Related posts

Leave a Comment