GO AT TRILLANES, ‘NAGBAKBAKAN’

MULING nagpalitan ng banat sina Senador Bong Go at dating Senador Sonny Trillanes matapos ang isyu ng pagpapa-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang college student dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news at pambabatikos sa una.

Sa tweet ni Trillanes, tinawag nitong malaking mambu-bully si Go kasabay ng pagpapaalala ng frigate scam.

“Malakas makapang-bully ng estudyante itong Bong Go na ‘to. Siguraduhin mo lang na di iikot ang mundo, kundi may kalalagyan ka. Tatandaan mo, dokumentado yung sabit mo sa frigate scam,” saad ni Trillanes.

Huwebes ng gabi nang lumabas ang mga ulat hinggil sa pag-subpoena ng NBI sa isang estudyante na kabilang sa mga inireklamo ni Go na bumabatikos at naninira umano sa kanya. Matatandaang inakusahan noon ni Trillanes si Go na nanghimasok sa procurement ng Philippine Navy ng frigate.

Sa pahayag naman ni Go, muli niyang tinawag na hari ng fake news ang dating mambabatas.

“Bagyong Trillanes! Isa kang hari ng fake news, manloloko na walang ginawa kundi manira ng kapwa, at alam naman natin na ikaw ang totoong Bikoy,” saad ni Go. (DANG SAMSON-GARCIA)

242

Related posts

Leave a Comment