GOBYERNO PINAPOPOKUS SA HIGHER VALUE INDUSTRIES, HIGHER PAYING JOBS

KAILANGAN ibaling ng pamahalaan ang pokus nito sa paglikha ng higher value industries at higher paying jobs upang mabalikwas ang lumalawak na trade deficit at pasiglahin ang paglago ng ekonomiya, ayon kay Senador Sonny Angara.

Dahil nag-aalala kung paano nauungusan ng kapitbahay na bansa sa Association of Southeast Asian Nations ang Pilipinas hinggil sa paglago ng ekonomiya, sinabi ni Angara na dapat magkaroon ng seryosong pagtataya sa lokal na industriya na may layunin na tulungan silang umangat sa value chain.

“While our trade deficit is worsening, our neighbors such as Vietnam and Indonesia are posting surpluses. Is this a sustainable direction for us as a country or do we want to reverse this? We need to find out if we are on the right track in terms of producing higher paying jobs and higher value industries. If the data shows we are not, then we have to reverse track at some point,” ayon kay Angara na chairman ng Senate Committee on Finance.

Sa ginanap na pagdinig ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na may pagkilos upang bumaling ang bansa patungo sa industrialization na tanging paraan upang matugunan ang paglago ng ekonomiya at maging mas inclusive.

Pumabor sa obserbasyon ni Angara, sinabi ni Pascual na kapag bumaling tayo sa industrialization, maghahawan ang paglikha ng mas matatag, mas kalidad at mas mataas na sahod sa bansa at mabawasan ang pagdepende sa remittances ng overseas Filipino workers upang sumigla ang ekonomiya.

Sinabi ni Angara na kailangan matunton ang datos mula sa mga industriya partikular ang lumilikha ng produktong pangluwas upang makita ang pagbabago sa antas ng kita ng manggagawa nito sa nakalipas na maraming taon. (ESTONG REYES)

171

Related posts

Leave a Comment