GRAB BINATIKOS

BINANATAN ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ang pamunuan ng Grab Philippines dahil sa hindi umano pakikipagtulungan na ma-trace ang mga naging pasahero ng Grab driver na sinasabing nagpositibo sa novel coronavirus disease.

Nabatid na ang Grab driver ay naghatid umano ng mga pasahero papunta at pabalik ng Metro Manila, Angeles City, at Pampanga area dahilan upang makipag-ugnayan ang alkalde sa nasabing ride-hailing app para i-back trace ang mga pasahero nito.

“The Grab officials cited protocols and confidentiality. They told me that DOH is the proper agency to handle it not the LGU. I even reminded them of the Proclamation of President Duterte that LGUs are mandated to prevent the spread of the disease, but my plea fell on deaf ears,” ani Lazatin.

Nanawagan din ang punong lungsod sa mga naging pasahero ng nasabing GRAB driver na agad makipag-ugnayan sa city government ng Angeles para mabigyan ng kaukulang aksyon at assistance.

Biyernes ng gabi sa isang press briefing, inanunsiyo ni Pampanga Governor Dennis ‘Delta’ Pineda na mayroon ngang isang Grab driver buhat sa Clark Freeport Zone ang kumpirmadong positibo sa COVID-19, ang kauna-unahang kaso sa lalawigan ng Pampanga. ELOISA SILVERIO

272

Related posts

Leave a Comment