GUIDELINES SA MGA BAKUNADO PINAREREBISA

HINIKAYAT ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pandemic task force ng pamahalaan na rebisahing mabuti ang guidelines ukol sa magiging access para sa mga fully vaccinated individuals sa ilalim ng bagong Alert Levels System na kasalukuyang nakakasa sa Kalakhang Maynila.

Ang pahayag na ito ni Concepcion ay dahil na rin sa nalalapit na pagtatapos ng pilot implementation ng bagong coronavirus (COVID-19) quarantine protocols sa National Capital Region sa Setyembre 30.

Sa isang liham, tinukoy ni Concepcion sa Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na bagama’t malinaw na nakasaad sa bagong Alert Level System na ang mga fully vaccinated individual lamang ang pinapayagan sa indoor activities sa piling establisimyento sa ilalim ng Alert Level 4, hindi naman malinaw ang qualifying conditions para sa Alert Levels 2 at 3.

“This can present a risk both to the unvaccinated customers and the employees of the establishment,” ayon kay Concepcion.

Dahil dito, hiniling ni Concepcion sa pamahalaan na rebisahin at ikonsidera na payagan ang mga fully vaccinated individuals lamang para sa indoor business transactions sa lahat ng Alert Levels 2 hanggang 4, at taasan ang kapasidad ng mga negosyo na papayagang buksan. (CHRISTIAN DALE)

114

Related posts

Leave a Comment