INANUNSYO ni Presidential spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na dalawang linggo ang mga gym, spa at internet cafe.
Ani Sec. Roque, alinsunod sa guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI), may kapangyarihan ang mga LGU na isara ang gyms, spas at internet cafes.
Sinabi pa ni Sec. Roque na nagbotohan na ang mga Metro Manila (MM) mayor at napagkasundan na isara ang mga nasabing establisimyento na tatagal ng 2 linggo. (CHRISTIAN DALE)
