HAHALILI KAY LORENZANA NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 si incoming Undersecretary Jose C. Faustino Jr., officer-in-charge ng Department of National Defense.

Si Faustino ang hahalili kay outgoing DND Sec. Delfin Lorenzana.

Pisikal na mag-uulat si Undersecretary Faustino sa trabaho pagkatapos makasunod sa itinakdang panahon ng quarantine. Siya ay fully vaccinated with booster shots at asymptomatic. Pansamantala niyang gagawin ang kanyang mga tungkulin habang naka-isolate.

Nabatid na may nakasalamuha si Gen. Faustino na isang indibidwal na positibo sa COVID sa panahon ng isa sa kanyang maraming pakikipag-ugnayan at konsultasyon bago siya pormal na manungkulan kahapon, Hunyo 30, bilang OIC, DND.

Ang transition ceremony ay isasagawa at mapapanood nang live ngayong Hulyo 1, simula 9:30 am sa https://www.facebook.com/DNDPHL. (JESSE KABEL)

284

Related posts

Leave a Comment