Para sa ligtas at masaganang Pilipinas MARCOS JR. NANUMPA BILANG 17TH PRESIDENT

(CHRISTIAN DALE)

MATAPOS tatlo’t kalahating dekada, ganap nang nakabalik sa Palasyo ng Malakanyang ang mga Marcos, sa katauhan ng 64-anyos na si Ferdinand Jr., sa hudyat ng kanyang panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Sa panunumpang pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, muling nagpasalamat si Marcos Jr. sa mahigit 31 milyong Pilipinong naniwala sa kanyang kakayahang muling ibangon ang bansang pinagwatak-watak ng labis na pamumulitika.

“I’ve listened to you and this is what I have heard. We all want peace in our land. You and your children want a chance at a better hope in a safer and more prosperous country,” ani Marcos na inaasahang maitatala bilang kauna-unahang majority President, titulong hinawakan ng kanyang ama nang una itong tumakbong Pangulo noong 1965.

“This is a historic moment for us all. I feel it deep within me. You, the people have spoken and it is resounding. When my call for unity started to resonate with you, it did so because it echoed your yearning, mirrored your sentiments, and expressed your hopes for family, for country and for a better future. That is why it reverberated and amplified as it did, to deliver the biggest electoral mandate in the history of Philippine democracy,” pambungad ng Pangulo.

Sa kanyang pag-upo bilang Pangulo, naniniwala si Marcos na hindi magiging mahirap sa kanyang termino ang pagtupad sa pangakong pagbangon – hangga’t nanatili ang suporta ng mamamayang Pilipino.

Binigyang pagkilala rin ng bagong punong ehekutibo ang mamamayang aniya’y piniling magkaisa kasabay ng pagbabasura ng aniya’y maruming pulitikang tampok ang siraan, patutsada, karahasan at dayaan.

“By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in this campaign… I believe that if we focus on the work at hand, and the work that will come to hand, we will go very far under my watch. You believe that too. And I listened to your voices who are calling for unity, unity and unity,” sambit pa niya sa talumpating makailang ulit nahimpil bunsod ng palakpakan.

Aminado naman aniya siyang hindi biro ang haharaping suliranin sa kanyang pag-upo bilang ika-17 Pangulo, kasabay ng pahiwatig ng kahandaang sumagupa sa anumang hamong kalakip ng kanyang mandato “You picked me to be your servant to enable changes to benefit all. I fully understand the gravity of the responsibility that you’ve put on my shoulders. I do not take it lightly but I’m ready for the task. I will need your help. I want to rely on it but rest assured I do not predicate success on the wide cooperation that’s needed.

Pagtitiyak pa niya, mas mangingibabaw ang gawa kaysa dada sa susunod na anim na taon – “I will get it done. You will not be disappointed. So do not be afraid,” hirit pa ni Marcos patungkol sa kanyang mga binitiwang pangako noong nangangampanya pa lamang para sa posisyon ng punong ehekutibo.

Para kay Marcos, dapat nang ibaon ang bangungot ng nakaraan para umusad ang bansang inilugmok ng pandemya at krisis na dulot ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“I am here not to talk about the past. I am here to tell you about our future. A future of sufficiency, even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing – by you, by me. We do not look back, but ahead. Up the road that we must take to a place better than the one we lost in the pandemic. Gains made and lost.

Opportunities missed. Well-laid plans superseded by the pandemic. Indeed, ours was the fastest growing economy in the ASEAN byways now outdated. We shall be again, by radical change in the way the world must now work to recover what we lost in that fire, and move on from there.”

Sa kanyang termino, hindi rin aniya maiiwasan ang mga pagkakamali ng gobyerno. Gayunpaman, siniguro ng bagong Pangulo ang kanyang kahandaan tumanggap ng kritisismo sa mga usapin kung saan maaaring nagkulang ang pamahalaan.

“You will get no excuses from me,” ani Marcos na umani ng mas matinding palakpakan sa harap ng mga delegadong dumalo sa kanyang pormal na pagsampa sa pwesto.
Sa susunod na anim na taon, mas pagsisikapan aniya ng kanyang administrasyon patibayin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mas marami pang bansa sa hangaring pasipain muli ang kabuhayan ng bansang napilayan ng mga pinakabagong kaganapan.

“We face the prospect of war abroad of which we are totally blameless. We seek friendship with all. But countries like ours will bear the brunt of it. And if the great powers draw the wrong lessons from the ongoing tragedy in Ukraine, the same dark prospect of conflict will spread to our part of the world.”

Kasabay ng kanyang panunumpa bilang Pangulo, tiniyak din niya ang pagbaba ng gobyerno para direktang pakinggan, makita at alamin ang hinaing at mga pangangailangan ng mga taong kanyang nais handugan ng katuparan ng pangakong pagbangon at pagbabago.

“In this fresh chapter of our history, I extend my hand to all Filipinos. Come, let us put our shoulders to the wheel and give that wheel a faster turn to repair and to rebuild and to address challenges in new ways to provide what all Filipinos need to be all that we can. We are here to repair a house divided, to make it whole and to stand strong again in the bayanihan way, expressive of our nature as Filipinos. We shall seek, not scorn dialogue, listen respectfully to contrary views, be open to suggestions coming from hard thinking and unsparing judgment but always from us, Filipinos. We can trust no one else when it comes to what is best for us. Past history has often proven that,” aniya pa.

Kabilang naman sa kanyang prayoridad ang sapat at abot-kayang pagkain, komprehensibong programa sa enerhiya, mas masiglang negosyong magbibigay ng mas maraming hanapbuhay, edukasyong angkop sa pandaigdigang pamantayan, libreng kalusugan para sa lahat, angkop ng trato sa mga nakatatanda at may kapansanan, at iba pa.

“And if you ask me why I am so confident of the future, I will answer you simply that I have 110 million reasons to start with. Such is my faith in the Filipino. Believe, have hope. The sun also rises like it did today and as it will tomorrow. And as surely as that, we will achieve the country, all Filipinos deserve,” pagtatapos ng Pangulo.

“Pangarap nyo, pangarap ko rin”

Itinulak din ni Marcos ang pagkakaisa para masiguro ang magandang bukas para sa mamamayang Pilipino.
Aniya, siya at ang publiko ay may iisang pangarap.
“All that is within reach of a hard-working, warm, and giving race. Your dreams are mine. Pangarap ninyo ay pangarap ko,”  dagdag na pahayag nito.
Ang solusyon aniya sa labas ay naglalayon lamang na hatiin ang bansa.
“They were always at our expense. Never forget we are Filipinos. One nation. One Republic. Indivisible,” aniya pa rin.

Food sufficiency

Sa usapin ng seguridad sa pagkain, tinuran ni Marcos ang pangangailangan na makakuha ng “preferential treatment” sa bansa.
“Food is not just a trade commodity. Without it, people weaken and die. Societies come apart. It is more than a livelihood, it is an existential imperative and a moral one,” aniya.
“The country may face a food shortage within the year as the crisis in Ukraine pushed many nations to limit or stop exports to secure their own supplies, ” the Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc (PCAFI) recently said. Countries furthest from the war are “most affected” in terms of food security, ” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.
Aniya, sumigaw na ang agriculture sector para sa agarang solusyon sa kanilang problema.
Kamakailan ay ipinahayag ni Pangulong Marcos na pamumunuan muna niya ang agriculture department hanggang sa ito’y ma-organisa.

‘Basics’ sa learning
materials

Binanggit din ni Pangulong Marcos Jr. na may pangangailangan na muling pag-isipan ang education curriculum ng bansa upang maituon ang pagtuturo sa mga estudyante sa “basics” at ihanda ang mga ito sa mas maayos na trabaho.
“What we teach in our schools, the materials used, must be rethought. I am not talking about history,” aniya, patama na rin sa pangamba ng kanyang mga kritiko na ang kanyang pagkapangulo ay patungo sa pag-whitewash sa martial law rule ng kanyang ama sa history books.
“I am talking about the basics, the sciences, sharpening theoretical aptitude and imparting vocational skills,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi pa niya na akma kay Vice President at incoming Education Secretary Sara Duterte ang “mission to a tee.”
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagrepaso at pagrerebisa sa implementasyon ng K- 12 program sa bansa.

No more secrets

Binigyang diin din ng bagong Pangulo na aayusin niya ang mga pagkukulang ng pamahalaan sa ginagawa nitong pagtugon sa pandemya.
Aniya “no more secrets” pagdating sa public health.
“There were shortcomings in the COVID-19 response. We will fix them, out in the open, no more secrets in public health,” aniya.

Payapang idinaos

Maayos na nagtapos ang panunumpa ni Marcos Jr. na dinaluhan ng libong tagasuporta sa kabila ng ilang grupo na nagprotesta kahapon.
Bandang 8:00 ng umaga ay makapal na ang mga pro-Marcos sa Intramuros golf course na nasa harapan ng National Museum of Fine Arts sa Padre Burgos Ave., Manila.

Panawagan
ng suporta

Matapos ang panunumpa, nanawagan ang ilang mambabatas sa publiko na suportahan ang administrasyon ni Marcos Jr.

“We should all pray for their success, because if the incoming administration performs well, all of our people will benefit,” ani Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.
Kailangan aniyang tugunan ng lahat ng mamamayan, sinoman ang sinuportahan ng mga ito noong nakaraang eleksyon, ang panawagan ni Marcos na pagkakaisa para sama-samang aniyang maiahon ang bansa sa kahirapan.

Ganito rin ang pahayag ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero, kung nais umano ng lahat na makarekober ang bansa sa pandemya, high inflation at fuel price crisis.
“It is time to rally behind our goals and aspirations laid out in the inaugural address of President Bongbong Marcos. We must back up by 200 percent our new leader!,” ani Romero.

Sinabi naman ni BH party-list Rep. Bernadette Herrera na makakaasa si Marcos ng suporta sa Kongreso lalo na ang tanging hangad ng Pangulo ay mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Inulit naman ni incoming House Speaker Martin Romualdez ang naunang sinabi na “President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “will be a great President”. (May dagdag na ulat sina (BERNARD TAGUINOD at RENE CRISOSTOMO)

540

Related posts

Leave a Comment