PARAMI ng parami ang nagpopositibo sa covid-19 sa buong mundo. Mula nang unang kumalat ang virus na ito sa Wuhan City sa China noong Nobyembre 2019, umaabot na sa 13, 943, 817 na ang nagkasakit at 592, 628 (as of July 17 world wide report) ang namatay.
Pumalo na rin sa 60,000 ang covid-19 case sa Pilipinas at kung titingnan mo ang trending sa buong mundo, pataas na pataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus na ito imbes na bumababa.
Nakapatay ang Chinese virus na ito (ayon nga kay US President Donald Trump) ng mahigit kalahating milyong katao na ayon sa mga eksperto ay mas marami ang casualty kesa sa giyera.
Bunga ito ng pagiging iresponsable ng China dahil itinago nila ang katotohanan sa virus na ito at pinayagan ang kanilang mga mamamayan na bumiyahe sa iba’t ibang bansa kaya parang apoy na kumalat ang covid-19 at nagdudusa ngayon ang buong mundo.
Parang nanonood na lang ang China at binabatikos ang Amerika sa hindi maayos na paghawak sa covid-19 kaya bukod sa Brazil ay ang North Amerika ang may pinakamaraming tinamaan ng virus.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit ang mga health experts lalo na ang World Health Organization (WHO) ay hindi itinuturo sa mga tao kung ano ang dapat nila gawin kapag nagkaroon ng virus.
Ang tanging sinasabi sa atin ng WHO at maging ang Department of Health (DOH) ay iwasan na magkaroon ng virus sa pamamagitan nang paghugas parati ng kamay, maging malinis sa katawan at sumunod sa social distrancing, magsuot lagi ng face mask.
Marami naman ang sumusunod pero bakit dumarami ang kaso ng covid-19? Nakakapagtataka lang na bukod sa prevention na laging sinasabi sa atin ng DOH, walang isa man sa kanila ang nagsasabi kung ano ang dapat gawin kapag nakaramdam pa ng sintomas ng made in China na virus na ito.
Kung hindi pa nagboboluntaryo ang ibang tao na may nalalaman sa medisina kung ano ang dapat gawin kapag sa palagay mo ay nahawa pa ng virus na ito, eh hindi alam ng mga tao kung ano ang kanilang gagawin.
Hindi nila sinasabi sa atin na kapag nagkaroon ka ng lagnat na lagpas sa 38% ay inuman ng paracetamol, hindi nila sinasabi sa atin na ang pag-iinom ng maraming tubig ay nakakatulong, hindi nila sinasabi sa atin na ang pagtake ng vitamins ay malaking tulong.
Ang laging sinasabi sa mga tao na kapag nakaranas ng mataas na lagnat, ubo, pananakit ng katawan, hirap sa paghinga at iba pa ay pumunta agad sa hospital pero punuan na di ba?
Marami na ring medical practioners ang nagsasabi na maraming gumaling na pasyente nila sa gamot na ibinigay sa mga ito pero ayaw kilalanin ng WHO dahil wala raw pag-aaral. Eh bakit gumagaling ang kanilang pasyente?
Kung irerekomenda ng WHO na gawin pansamantala ang mga natuklasang lunas ng ibang medical experts na hindi nila kasama sa organisasyon at maging ang mga tradisyunal na paggamot sa mga sakit gamit ang halagang gamot na likha ng Diyos, wala naman sigurong mawawala at baka ito pa ang magpapababa sa kaso ng covid-19 sa mundo.
Pero hindi yan ginagawa ng WHO at maging ang DOH. Hinihintay pa nila ang gamot na gagawin ng mga pharmaceutical companies at habang naghihintay, parami nang parami ang nagkakasakit at namamatay.
DPA Ni BERNARD TAGUINOD
176
