Higanteng facemask, face shield inilagay sa tren FRONTLINERS KINILALA NG LRT-1

KINILALA ng Light Rail Management Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, ang serbisyo at tulong ng frontliners sa kasalukuyang panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng paglalagay ng higanteng facemask at faces shield sa harap ng tren.

Sinabi ni LRMC Pres. at CEO Juan F. Alfonso, ang higanteng face mask at face shield ay paalaala sa commuters na maging responsable at gawin ang bahagi sa pagpigil sa pagkalat COVID-19.

Taon-taon ay binibihisan ng LRMC ang kanilang tren upang ipadama ang kasiyahang dala ng panahon ng Kapaskuhan.

Ngayon taon, ang higanteng face mask at face shield sa magkabilang gilid ng tren, ay bilang paglalarawan sa masisipag, matatapang at dedikadong essential workers mula sa medical profession, security at service sectors.

Nakalagay rin ang campaign logo na “Ingat Angat Tayong Lahat,” ng Task Force T3 (Test, Trace, Treat).

Kasunod nito, namahagi ang LRMC ng safety kits sa commuters nitong Lunes ng umaga.

Magmula nang magbalik-operasyon ang LRT-1 ay ipinatupad nila ang above minimum health at safety measures kagaya ng thermal scanner, may filter na air conditioning unit, disinfection mats, plastic barriers, chemical disinfection at istriktong crowd control.

“We also hope to reinforce the commuting public’s sense of safety by how LRMC ensures they come home always safely by riding LRT-1…on top of our existing best in class safety measures,” ayon pa kay Alfonso. (DAVE MEDINA)

242

Related posts

Leave a Comment