NAKAPAGTALA ang Department of Health ng panibagong 23,074 recoveries kahapon kaya umakyat sa 184,687 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Kaugnay nito, mayroon ding 2,839 panibagong kaso ng sakit sa Pilipinas, kaya umabot na sa 237,365 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan nito.
Sa nasabing bilang, 48,803 ang aktibong kaso, kung saan 88.6% dito ay mild, 8.0% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 2.0% ang nasa kritikal na kondisyon.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa mga may pinakamaraming nahawa at sa 2,839 panibagong kaso ay 1,170 sa mga ito ang nagmula sa NCR ; sinundan ng Negros Occidental na may 195; Laguna, 190; Cavite, 182 at Rizal, 154.
Samantala, umakyat na sa 3,875 ang nasawi sa sakit matapos madagdagan ng 85 kahapon.
Sa ibang bansa, nadagdagan pa ng isa ang mga nagpositibo sa COVID-19 kaya mayroon na ngayong kabuuang 10,117 ang mga Pinoy na tinamaan ng nasabing sakit sa abroad. (D ANIN)
153 