PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 2,923 persons deprived of liberty (PDLs) mula Abril 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon.
Ginanap ang seremonya kamakalawa sa New Bilibid Prison, Muntinlupa.
Aabot na sa 23,579 ang kabuuang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga PDL ay pinalaya batay sa pagtatapos ng sentensya (2,373), acquittal (228), parole (212), habeas corpus (76), probation (59), at iba pang utos ng korte.
Pinapurihan ni Catapang ang Supreme Court sa desisyon nitong pahintulutan ang GCTA kahit sa mga nahatulan ng mabibigat na krimen, na naging daan sa maagang paglaya ng ilan.
Dagdag ni Catapang, layunin ng programa na tumulong sa muling pagbangon ng mga PDL at pagbawas ng kriminalidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon at reintegrasyon.
(JULIET PACOT)
