HIGIT 8% NG MAY COVID SA PINAS, ASYMPTOMATIC

WALANG nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang tinatayang 8.6% ng mga tinamaan ng nasabing virus sa bansa.

Lumitaw sa isang ulat na mga asymptomatic ang karamihan sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Bumaba naman ang kaso ng mild patients sa 88.3 % habang 1.3% ang severe at 1.8% ang critical cases.

Sa huling ulat mula sa Department of Health, umaabot na sa 245,143 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan  ng 3,176. 55,614 naman ang active cases.

Ang bilang ng mga gumaling ay nadagdagan ng 376 kaya ang total recoveries ay 185,543 na.

Habang ang total deaths ay pumalo sa 3,986 matapos madagdagan ng 70.

Kaugnay nito, patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumagaling sa COVID-19.

Nabatid na 49 ang bagong recoveries sa sakit kaya ang kabuuang bilang nito ay 6,382 na.

Wala namang nadagdag na namatay na Pinoy sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 763.

Nadagdagan naman ng 15 ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon ay 10,151 kung saan ang active cases dito ay 3,006.

SISIPA PA

Samantala, asahan na umano ang mas mataas na bilang ng iuulat na kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw matapos maghigpit ng requirements ang Department of Health (DOH) sa mga laboratoryo.

Kasunod ito ng hinaing ng mga Local Government Unit (LGU) na hindi sila makapagsagawa ng contact tracing dahil sa hindi kumpletong detalye ng mga pasyente.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung dati ay pinapayagan ang kulang-kulang na submission, ngayon ay kailangang may kumpletong address at contact number ang mga magpopositibo sa COVID-19.

Aniya, kailangang kumpleto ang mga nasabing detalye sa pag-submit ng mga laboratoryo sa online system ng gobyerno.

Tiniyak naman ng opisyal na iha-highlight ng DOH kung alin sa mga kaso ang late nang nai-report.

Nagpaalala rin ang DOH sa lahat ng disease reporting units na siguruhin ang mga impormasyon na kanilang ibibigay at magagamit lalo na sa contact tracing team.

107

Related posts

Leave a Comment