Hirit na takeover sa QC COVID-19 response TABLADO SA DILG

WALANG makitang sapat na dahilan ang Department of Interior and Local Government (DILG) para tupdin ang rekomendasyong takeover sa Covid response ng Quezon City na isinusulong ng ilang mambabatas mula sa Kamara.

Giit ni DILG Secretary Eduardo Año, kuntento umano siya sa tugon ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“The Quezon City LGU (local government unit) is doing good in its COVID response compared to other LGUs nationwide,” pahayag pa ng kalihim sa isang Viber message.

Binigyang-diin din ng Kalihim bumaba na sa low-risk category ang lungsod batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) tungkol sa growth rate ng COVID-19 sa nasabing lokalidad.

Taliwas na obserbasyon ng mga kongresista, pinapurihan pa ni Año ang lokal na pamahalaan dahil sa malawakan at puspusang pagbabakunang nagbigay kumpletong proteksyon sa 1.76 milyong residente habang tinatayang 1.84 milyon naman ang naghihintay na lamang ng kani-kanilang iskedyul para sa ikalawang turok kontra COVID-19.

“Despite having the largest population in the NCR (National Capital Region), vaccination rate is also very high,” dagdag pa ni Año.

Sa pinakahuling report ng OCTA Research Group mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 1, lumalabas na bumaba na sa 190 ang bilang ng mga positibo sa nasabing lungsod – mas mababa ng 7% kumpara sa 204 cases noong nakaraang linggo. (LILY REYES)

141

Related posts

Leave a Comment