Hit back, utos ni Gen. Eleazar 5 PULIS PATAY, 2 SUGATAN SA NPA AMBUSH

CAMARINES NORTE – Limang police officers ang napaslang habang dalawa pang kasamahan nila ang malubhang nasugatan nang makasagupa ang isang grupo ng hinihinalang komunistang terorista sa bayan ng Labo, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP Joint Operation Center, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga elemento ng 1st platoon ng Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), hindi kalayuan sa kanilang himpilan, nang masabat nila ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan.

Ayon kay PNP Officer in Charge P/Lt General Guillermo Eleazar. bandang alas-9:45 ng gabi nang isagawa ang pananambang sa mga tauhan ng 2PMFC na naatasang magbigay seguridad sa isang ongoing road project sa Purok 6 sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Tumagal ng ilang oras ang bakbakan at napatay ang limang pulis saka mabilis na umatras ang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army patungo magubat na bahagi ng Mt. Labo.

Sa ibinigay na pahayag ni Lt. Gen. Eleazar, matapos ang pagkonsulta kay on leave PNP chief, General Debold M. Sinas at sa pakikipag-ugnayan kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, iniutos nito ang pagtugis sa tumakas na mga rebelde at sa mga posibleng nagbigay ng suporta sa mga ito.

“I am ordering the Regional Directors of PRO4A, Police Brigadier General Felipe R. Natividad and PRO5, P/BGen. Bartolome R. Bustamante, to mobilize their forces in order to hit back not only on those responsible but also on the NPA operating in their respective Areas of Responsibility (AOR).

Bukod sa mga regular armed cadre na reponsable sa pananambang, ay uusigin din ang mga tao o grupo na nagbigay ng suporta sa mga rebeldeng NPA.

“Ambushes like this do not usually succeed without the help of the CTG supporters. So, I am also ordering the RD, PRO5 to conduct a thorough investigation to identify those who may have aided these NPAs in the conduct of their ambush and to bring them to court.”

“Clearly, these people do not understand the language of peace so will deal with them in manner that they fully understand our message that we shall never tolerate this kind of terrorism activity.

Agad na ipinag-utos ng PNP at AFP Southern Luzon Command ang pagtugis sa sumalakay na mga NPA. Sinasabing tinutugaygayan na ng Camarines Norte 2nd PMFC ang landas na tinahak ng tumakas na mga NPA.

Ayon kay PNP Bicol Regional Director Police Brig. Gen. Bartolome Bustamante, nasa area ang mga pulis, sa pamumuno ng isang tinyente, para magbigay seguridad sa ginagawang kalsada na nagkukunekta sa Camarines Norte at Quezon Province. (JESSE KABEL)

143

Related posts

Leave a Comment