NADAGDAGAN ang mga kumpanyang huminto sa operasyon sa First Philippine Industrial Park (FPIP) sa Batangas matapos maiulat ang pagsasara ng isa pang malaking planta, na muling nagbukas ng usapin sa seguridad ng trabaho sa sektor ng manufacturing.
Pinakahuli rito ang Vacuumtech Philippines Incorporated, ang gumagawa ng mga produktong Thermos, na nagtapos ng operasyon nitong Nobyembre 27 sa Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City.
Ibinahagi ng ilang empleyado sa social media ang kanilang pamamaalam sa kompanya matapos ang ilang taong pagtatrabaho rito.
Nauna nang nagsara noong Hunyo 19 ang planta ng Canon Business Machines Philippines sa FPIP sa Tanauan City, na nakaapekto sa tinatayang 1,400 manggagawa.
Iniugnay ng Canon ang pagsasara sa paghina ng pandaigdigang demand para sa laser printers.
Hindi naman malinaw pa ang opisyal na dahilan ng pagsasara ng Vacuumtech.
(NILOU DEL CARMEN)
36 