‘HUAYI’, NAGPAPASOK NG MGA CHINESE SA POGO

MARAMING Chinese sa Pilipinas na nagnenegosyo, o nagtatrabaho.

Hindi ‘yan nakapagtataka.

Hindi rin nakagugulat.

Katunayan, kahanga-hanga ang ilan sa kanila dahil mahusay silang gumawa ng iligal na pagkakakitaan.

Tapos, hindi nahuhuli.

Kayo na ang humusga kung bakit?

Isa ang pangkat ng mga Chinese na “Huayi” kung tawagin.

Ayon sa source na mayroong nalalaman sa raket ng Huayi, mayroong opisina ang pangkat na ito sa Lungsod ng Pasay.

Pokaragat na ‘yan!

Ang Huayi ay nagpapasok umano ng mga Chinese sa Pilipinas.

Mula China hanggang Pilipinas, inaasikaso ng Huayi ang lahat ng kinakailangang mga dokumento upang ‘malinis’ at ‘pasok na pasok’ sa Pilipinas ang mga Chinese.

Siyempre, kumikita ang Huayi.

Malaking kahibangan naman kung wala itong kikitain sa kanilang raket.

Siyempre, malakihan dahil pihadong mayroon itong aabutan ng pera sa mga ahensiya ng pamahalaan kung saan ‘linilinis’ ang mga pangalan ng mga Chinese at ang kanilang mga dokumento habang namamalagi sa ating bansa.

Kaya, walang dudang mayroong mga korap na opisyal at kawani sa mga ahensiyang ito.

Kilang – kilala ang pangalang Huayi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Bureau of Immigration (BI).

Alam ng publiko na ­maraming notoryus sa pera sa NAIA at BI.

Pagkatapos na makapasok nang literal sa ating bansa, ipapasok naman ng Huayi ang isang Chinese, o maraming Chinese, sa kumpanyang pasok sa Philippine Offshore Gaming Operation, o kilala natin sa salitang POGO.

Kaya, mistulang ligal na ang pagkilos at istatus ng mga naipasok na mga Chinese.

Sigurado akong kumita, kumikita at kikita pa ang Huayi dahil maraming kliyente ang grupong ito.

Pokaragat na ‘yan!

Matagal – tagal na rin ang POGO sa Pilipinas.

Tanggap at ligal ang industriyang ito kahit sugal at tungkol sa pera ang negosyo nito.

Napakalali ng kinikita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa POGO.

Kaya, malaki ang kinikita ng pamahalaan sa POGO.

Pero, kung hindi nagbabayad, o pautay – utay, ang pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin ng mga kumpanya ng POGO ay siguradong hindi kikita ang pamahalaan sa nasabing industriya.

Inilinaw ng source ng Badilla Ngayon na hindi ligal ang lahat ng mga ­kumpanyang sinasabing kasama sa POGO.

Idiniin niyang “napakarami” pa ring iligal.

Pokaragat na ‘yan!

Kung totoo ang deklarasyon ng ating source, nangangahulugang hindi pa nalulutas ng PAGCOR at BIR ang naibalita sa media noon na mayroong mga kumpanyang iligal, ngunit napakalayang kasali sa POGO.

Pokaragat na ‘yan!

Ano ba ‘tong nangyayari sa ating bansa PAGCOR Chairperson Andrea Domingo at BIR Commissioner Caesar Dulay?

Nabatid natin na ma-tindi pala itong Huayi dahil dinaig nito ang matinding atake ng coronavirus ­disease 2019 (COVID-19) na nanggaling din sa China, sapagkat patuloy ang raket nito kahit mayroong ­COVID-19 sa Pilipinas.

Kung tuluy-tuloy ang raket habang hinaharap at kumikilos ang administrasyong Duterte laban sa COVID-19, panay din ang pasok ng pera, ng napakaraming pera sa Huayi dahil hindi naman tumitigil ang pag-aasikaso nila sa mga Chinese na gustong makarating at magtrabaho sa Pilipinas.

Si Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros lang naman ang tumigil sa pag-iimbestiga.

Pero, huwag na huwag ninyo akong sisisihin dahil wala akong kinalaman sa pananahimik ni Hontiveros laban sa napakanotoryus na sistema ng katiwalian at korapsyon sa BI.

149

Related posts

Leave a Comment