NAKATUTUWANG mabasa sa mga pahayagan ang tila pagmamalasakit ng ilang senador sa a ting overseas Filipino workers (OFWs).
Kamakailan ay nagpalabas pa ng pahayag si Senador Ralph Recto na dapat daw na bigyan ng “red carpet” na pagtrato at pagsalubong ang mga OFW. Ito ay matapos na maipakita sa ilang pahayagan at tele bisyon na may ilang mga Filipino ang stranded sa airport para makauwi sa kanilang probinsiya.
Kalaunan, nadiskubre na ang mga nasabing locally stranded individuals (LSI) ay hindi mga OFW kundi mga mamamayan na nagbabakasakali na makauwi sa kanilang probinsiya na libre ang pamasahe. Ito ay matapos na may nagpakalat umano ng ‘fake news’ na libre ang sakay sa eroplano nang pauwi sa probinsiya basta pumunta lamang at mag-antay sa NAIA.
Maraming mga OFW ang nagalit sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa inakala nga ng ilan na pinabayaan ang mga kasamahan nila na nasa airport. Ngunit kalaunan, mga OFW na mismo na nasa mga hotel ang nagsalita upang ipagtanggol ang OWWA at nagpapatunay na sila ay inaasikaso na tila mga turista sa mga hotel na kaloob ng OWWA.
Samantala, naging trending din sa social media ang umano’y pagkakaroon ng cloning ng facebook account upang umano ay gamitin para sa paghahasik ng terorismo, bagay na ikinatakot ng mga OFW.
Malinaw naman kasi na karamihan sa aktibo sa Facebook ay ang mga OFW dahil sa mabilis na access ng mga ito sa internet at gina gamit upang maging updated sila sa kaganapan sa Pilipinas at pati na rin sa kanilang pamilya.
Sa aking obserbasyon ay tila may grupo na kumukumpas upang gamitin at galitin ang mga OFW na kilalang tagapagtaguyod ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kapansin-pansin ang tila damdamin ng mga OFW ang tinarget ng grupong ito upang bumitaw sa pagsuporta ang mga OFW kay Pangulong Duterte.
Sa aking pananaw ay hindi kinakailangang galitin ang mga OFW upang makuha lamang ang kanilang support. Sinumang senador na nagnanais na makuha ang simpatiya at suporta ng mga OFW ay kailangang pamunuan nito ang panawagan para simulan ang pagbalangkas at tuluyang maipasa ang nakabinbin na panukala para sa pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).
Kabilang ako sa personal na dumalo at tumutok noong panahon na ito ay binabalangkas pa sa kongreso.
Matagumpay na naipasa ito sa ikatlong pagbasa kung kaya ito ay naipadala na sa Senado upang tuluyan nang maisabatas.
Kamakailan ay nanawagan na si Senador Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kasamahan sa Senado na pag-ukulan ng pansin ang pagpasa ng DOFW Bill, ngunit walang iba pang senador ang nagbigay ng suporta.
