NANAWAGAN si San Jose del Monte Rep. Florida “Ate Rida” Robes sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na bigyang pansin ang kasalukuyang sitwasyon ng nursing sector sa bansa.
Sa privilege speech nitong Lunes, inilantad ni Robes na ang “nurse-to-patient” ratio sa bansa ay isang nurse sa bawat hospital ward.
“‘One is to ward’ – ito ang kalagayan ng nurse-to-patient ratio. Hindi na po ito biro. With this staffing ratio, is our healthcare system still safe?” may lungkot na sambit ni Robes.
“I rise on a matter of privilege to bring before this August body the plight of our Filipino nurses; the need for safe and adequate staffing in our hospital; and the vital role of creating a positive practice environment for our nurses towards a quality-driven healthcare system for Filipinos,” saad ng mambabatas mula sa Lone District of San Jose del Monte City.
Binanggit ni Robes na sa umiiral na alituntunin ng Department of Health ay 1:12 nurse-to-patient ratio.
Gayunman, sa 2022 pag-aaral na isinagawa sa Philippine General Hospital, nabatid na ang standard nurse-to-patient ratio sa general wards ay 1:20.
Ang nasabing high-volume ratio ay iniugnay ng mga nagsaliksik sa kakulangan ng staff at maraming trabaho sa pasyente.
“In some hospitals, one nurse attend to 20 to 50 patients per shift. Hindi ito dapat ipagwalang bahala dahil ayon sa datos na aking nakalap safe nurse staffing saves lives. Bakit?” tanong ni Robes.
Para sa bansa na ipinagmamalaki ang sarili bilang isa sa pinakamalaking producer ng mga nars, ang Pilipinas ay nahaharap sa kabalighuan ng pagkakaroon ng labis na nars ngunit hindi sapat para husayan ang higit na pangangailangan ng mga nurse para pangalagaan ang healthcare system nito.
Sa kanyang privilege speech, sinabi niya na noong COVID-19 pandemic nasaksihan natin na maraming ospital na nagbawas ng operasyon, hindi dahil sa kulang sa pasilidad, kundi bunsod ng kakulangan ng healthcare workers.
Lumala ang problema nang sumigla muli ang overseas recruitment ng nurses.
“May mga bansa na nag-iisponsor sa ating mga college students to take up nursing with an offer to migrate to and work in the sponsoring country. Ito ay patunay na maraming bansa ang nag-aagawan para sa mga Pinoy nurses.”
“Kung pababayaan natin itong magtuloy-tuloy, mayroon pa ba tayong sapat na bilang ng nurse upang pagsilbihan ang sambayanang Pilipino? Overseas migration was not the only factor affecting deficient supply of nurses in the Philippines. The lack of stable jobs and dismal wages also plays a huge factor.”
Sa papel, ang entry-level nurse sa pampublikong pagamutan ay nararapat kumita ng Salary Grade 15, na katumbas ng Php 33,575.00 (o halos US$ 670.00) kada buwan. Sa realidad, sila ay sumusweldo lamang ng halos o Php 22,000.00 bawat buwan at walang benepisyo tulad ng hazard pay. Ito ba ang sweldo na nakabubuhay ng isang pamilya?
Batay sa datos ngayong 2023 mula sa nursing organization, lumitaw na ang highest paid nurses ay nasa Europe, Australia at Canada.
“Sa Luxembourg ang nurse ay sumesweldo ng $96,000 (USD) kada taon; sa Denmark, $87,436 (USD); sa Australia, sa $73,000 (USD); sa Switzerland, $66,594 (USD); at sa Canada, $50,168. Ilan lamang ito sa halimbawa ng mga bansa na ang mga nurses ay may matataas na sweldo.
Hindi naman po natin kayang pigilan ang mga nurses na maghangad ng mas magandang trabaho na may mas mataas na sahod at benepisyo upang itaas ang antas ng kanilang kabuhayan. We cannot stop them from leaving but we can give them enough reasons to stay,” saad pa ng mambabatas.
Nanawagan si Robes sa Kongreso na bigyang pansin ang kalagayan ng Filipino nurses na tinawag niyang “unsung heroes of our healthcare system.”
“Let us create a positive practice environment for them that would encourage them to stay in our country and use their world-class talents and skills to serve our people. Let us stop the brain drain of quality Filipino nurses by providing them decent work and improving their pay,” sabi ni Robes sa kanyang mga kasamahan.
Ang datos na nakuha sa Nursing Administration Quarterly, ay nagpakita na ang pagdagdag ng nurse staffing ay higit na cost-effective tactic para mapabuti ang pangangalaga sa pasyente kung ikukumpara sa ibang interbensyon. Ang Safe nurse staffing ay nagbabawas ng turnover sa mga ospital. Kapag lalong tumaas ang ratios ay magkakaroon ng karagdagang nursing turnover at mababawasan ang kasiyahan ng pasyente. Ang lahat ng ito ay magtataas ng gastos ng pangangalaga.
Sa kanyang palagay, ang safer nurse-patient ratio ay makabubuti sa kalusugan ng lahat ng Pilipino sapagkat mababawasan nito ang medication errors, patient mortality, hospital admissions; enhance patient satisfaction; at maiiwasan ang sobrang pagod ng mga nurse.
“I stand here today with a dream to make healthcare accessible and affordable to every Filipino – where safe nursing staff ratio will replace the “one-is-to-ward system”, and where the best and the brightest nurses will choose to stay and love the Philippines,” saad ni Robes.
Aniya, upang matupad ang nasabing pangarap ay kailangang unang umpisahan ito ng pagkalinga sa mga nangangalaga.
“Nurses take care of us, but who will take care of them? The responsibility belongs to us,” ani Robes.
(BERNARD TAGUINOD)
152