IATF HINIMOK MAGSAGAWA NG COMMUNITY RT-PCR TESTING

HINIMOK ni Senador Nancy Binay ang InterAgency Task Force na magpatupad ng libreng RT-PCR testing sa mga komunidad na malaki ang populasyon at mataas ang posibilidad ng COVID-19 cases.

Ayon kay Binay, kailangang palawakin pa ang testing upang matiyak na maihihiwalay at agad na magagamot ang mga positibo sa virus.

“Kulelat pa rin tayo. Why are we not testing enough? What happened to the target of 90k-100k tests daily? Given the country’s low testing capacity, how can we be effective in isolating carriers and spreaders? Yung patuloy na paglala ng pandemya, napaka-crucial ng testing sa mga komunidad,” saad ni Binay.

Sinabi ni Binay na maaaring unahin sa full community testing gamit ang RT-PCR ang mga komunidad na inilagay sa hard lockdown at sa critical zones.

“The goal is to test more, not to test all. Hindi naman natin hinihingi na i-test lahat. What we need is a rationalized, more targeted cluster approach to suppress the spread of the virus sa community level–wag naman yung shotgun approach,” diin ni Binay.

Ipinaalala ni Binay na patuloy ang pagtaas ng mga kaso sa kabila ng pagpapatupad ng ECQ sa NCR at iba pang lugar.

“Localized community testing, contact tracing and disease surveillance should automatically be part of the zoning containment strategy. Sabi ng DOH, pwede ang antigen testing lalo na sa level-4 at level-3 na mga areas. Kung may nakapasok nang Delta variant, dapat RT-PCR tests should immediately be conducted. Sayang lang ang ilang milyong pisong binili ng gobyerno na antigen test kits dahil di pwedeng gamitin ang antigen sa genome sequencing lalo na sa bagong variants,” paliwanag pa ni Binay.

Idinagag pa ng senadora na maaaring gayahin ang best practices sa ibang lokal na pamahalaan tulad ng Navotas na nakabuo ng mga polisiya at istratehiya na para malimitahan ang community infection.

“Kung kaya ng Navotas na magkaroon ng libreng 24/7 testing operation, bakit di magawa ng testing czar na gawin ding 24-hour operation ang government testing facilities? Aside from vaccination, what we need is a prompt and timely testing of individuals na walang kailangang bayaran specially those who are at risk of being infected with the virus,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

162

Related posts

Leave a Comment