DAPAT isama maging ang mga manggagawa sa palengke, supermarket, botika, security guards at may hawak ng rapid passes ng Covid testing.
Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe dahil para paigtingin ang laban sa COVID-19 ay nararapat na tiyaking ang iba pang frontliners ay isama sa rapid testing.
“Sila ang patuloy na nagpupunyagi sa araw-araw upang manatili tayong may pagkain at kailangang suplay sa ating mga tahanan. Sila ang ating lifeline,” sabi ni Poe.
Kasabay nito ay umapela rin si Poe sa mga employer na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
“Inaasahan din nating ang mga employer at mga kumpanya ay kikilos at agarang makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang tiyakin ang proteksyon sa kanilang manggagawa at ating komunidad,” aniya pa. NOEL ABUEL
187 