IBANG TRANSPORT GROUPS HINDI SASAMA SA TIGIL PASADA

TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sasama sa tigil pasada ng grupong PISTON at Manibela ang iba pang malalaking grupo ng transportasyon sa bansa.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang transport group at sinabi ng mga ito na hindi sila sasama sa tigil pasada.

Gayunman, tiniyak ng MMDA na maglalagay sila ng standby na mga libreng sakay para agad mailabas kung kakailanganin.

“Confident naman po ako na sa tulong din ng Department of Transportation (DoTr) at mga Local Government Units (LGUs), ay mama-manage naman namin ang ikakasang tigil pasada,” pahayag ni Artes.

Nanawagan din si Artes sa mga tsuper na lalahok sa tigil pasada na huwag puwersahin ang iba pang mga tsuper na hindi lalahok sa kanilang protesta.

“Panawagan ko po sa ating mga raliyista na iwasan naman po mangharang ng mga driver at manggulo sa mga bumibyahe,” hiling pa kay Artes.

(CHAI JULIAN)

128

Related posts

Leave a Comment