ILEGAL NA SABUNGAN MULING SINALAKAY, ISINARA NG PNP

MANILA-Hindi umobra ang katigasan ng ulo ng isang ilegal na online sabungan matapos salakayin at muling ipasara ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Nabatid na isang araw pa lamang ang nakalipas nang salakayin at ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija.
Subalit, nagmatigas ang operator at muli itong nagbukas kaya’t nagdagsaan na naman ang mga parokyano nito.

Hindi naman ito pinalagpas ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon, at kanila itong sinalakay saka ipinasara ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan.
Kaagad namang ipinasara ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon ang naturang illegal live streaming cockfighting sa Mavis sports complex sa nasabing bayan.
Ayon kay Gen. De Leon, “referred for further investigation ang inutos ng piskal kaya pinakawalan din ang mga tao”.

“Pero may mga nagreklamo kasi na kulang ang kanilang kaukulang papel tulad ng notice to commence from PAGCOR, kaya pinahinto namin sila dahil wala silang maipakita ng ganyang papel,” dagdag ni de Leon.

Aniya pa, “may mga nagtimbre sa amin na nagkukumpulan ang mga tao sa loob, e violation ng health protocol yun.”

Patuloy namang inaalam ng PNP kung sino ang may-ari o mga operator ng iligal na pasugalan dahil hindi nila ito nadatnan.
Pero ayon sa ilang source sa PNP, isang opisyal sa probinsiya ang may-ari nito.

Maging si DILG Usec. RJ Echiverri ay nagsabing masusi nilang iimbestigahan ang naturang Online Illegal Sabong.

Tiniyak ni Echiverri na mananagot ang mga taong nasa likod ng operasyon ng ilegal na sugal habang bibigyan naman ng proteksiyon ang mga legal.
Ang mga legal na Online Sabong ay nasa superbisyon ng PAGCOR. (ANNIE PINEDA)

739

Related posts

Leave a Comment