HINIKAYAT ni Senadora Imee Marcos ang gobyerno na makipag-ugnayan na sa mga kalapit na bansa sa Asya para solusyunan pansamantala ang problema sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Inihalimbawa ni Marcos ang Malaysia, Brunei at China na posibleng pagkunan ng mas mababang presyo ng produktong petrolyo.
Kasabay nito, pinuna ni Marcos ang doble-dobleng pagpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo.
Iminungkahi rin ni Marcos na tularan ang ginawa ng Estados Unidos na itinaas ang components ng bioethanol sa mga produktong petrolyo para mapababa ang presyo ng gasolina sa merkado.
Ibinahagi rin ni Marcos ang mga ginawang pansamantalang solusyon noong panahon ng administrasyon ng kanyang ama nasi dating Pangulong Ferdinand Marcos nang nagkaroon ng krisis sa langis noong 1973 at 1979.
Isa sa mga ginawa noon ang pagtitipid sa paggamit ng langis, car sharing gayundin ang pagbabawas ng konsumo sa kuryente.(Dang Samson-Garcia)
198
