IMPORTED OIL PRODUCTS PINATAWAN NG 10% TAX HIKE NI PDUTERTE

NAGPATUPAD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng karagdagang buwis na 10% sa imported crude oil at refined petroleum products sa hangarin ng pamahalaan na makapangalap pa ng pondo para tugunan ang COVID-19 crisis.

Ang karagdagang buwis, bukod sa umiiral sa Most Favored Nation at preferential import duties, ay pansamantala lamang.

Isang Executive Order 113 ang nilagdaan ni Pangulong Duterte nito lamang May 2.

Kabilang sa sakop ng kautusan ay ang petroleum oils at oils na nakuha sa bituminous minerals at crude; petroleum gases at iba pang gaseous hydrocarbons; at waste oils.

Sa kabilang dako, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na pag-aralan, ipanukala at gumawa ng hakbang upang matiyak na ang malilikom mula sa karagdagang import duty ay gagamitin ng pamahalaan sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19, kabilang na ang social amelioration programs at iba pang uri ng ayuda para sa lahat ng apektado ng COVID-19.

Ang modified rates ng import duty ay kaagad na ibabalik sa zero percent tulad ng pagtaas ng international oil prices na may pasubali na kailangan na may certification ng Department of Energy (DOE) at notification na ipinadala sa Department of Finance (DOF).

Kamakailan ay sinabi ng DOF na ang halaga ng socioeconomic strategy ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay P1.49 trillion. CHRISTIAN DALE

166

Related posts

Leave a Comment