INA RAYMUNDO NAKAW-EKSENA SA FILM AMBASSADOR’S NIGHT

lolitNAKA-EKSENA raw si Ina Raymundo sa nakaraang Film Ambassador’s Night na ginanap sa Maybank Theater noong nakaraang Linggo.

Ang sexy raw kasi ni Ina sa suot niyang terno na top pero luwang-luwa ang boobs.

Biro ng aktres, naparami lang daw ang pagkain niya ng lumpia toge.

Pero sa totoo lang, ang dami pa rin ngang nagka-crush kay Ina na mga bagets kahit mag-45 years old na ito.

Thank you raw kay Jennifer Lopez dahil kahit 50 na ito, nanatiling sexy pa rin.

Kaya naman karamihan sa mga artistang babae, talagang maingat sa mga kinakain nila para manatiling sexy pa rin.

Isipin mo nga naman, lima na pala ang anak ni Ina pero sexy pa rin.

“Salamat, salamat. I’m so happy na you know, age is just really a number now. Right?

“Na parang… salamat kay JLo. Kasi, siya talaga ‘yung nagpataas ng ano, ng bar, standard — na kahit 50 ka, you can still rock it and you can still have the time of your life. Di ba?

“Parang noong sinaunang panahon, ‘pag 50 ka, parang losyang na, wala na. Parang pababa na iyong status mo, or lola levels. But now, it’s different. Age is just a number!” sabi ni Ina.

Marami pa sa mga artista natin na kahit nag-mature na, nanatiling maganda at sexy pa rin.

Kaya nasa atin na ‘yan kung paano natin mapangalagaan ang ating sarili.

 

156

Related posts

Leave a Comment