2 CLAIMANT ARESTADO SA CHOCOLATE SHABU

HINDI na nagawang pumalag ng dalawang claimant matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng ‘imported crystal meth’ (shabu) na dinala mismo sa kanyang tahanan sa bayan ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan.

Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), unang nabisto ang droga sa bagaheng idineklarang tsokolate matapos isailalim sa X-ray inspection ng Port of Clark at K-9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kargamentong inangkat mula sa ibang bansa.

Pagtataya ng PDEA, mahigit P1 milyon ang kabuuang halaga ng tumambad na drogang isinama sa mga pakete ng kendi.

“Declared as chocolates, the shipment was initially subjected to X-ray inspection and K9 sniffing, both of which raised suspicions of the presence of illegal drugs. After a physical examination of the shipment, one pack of Nerds gummies containing one medium pack and ten small packs of white crystalline substances was found,” saad sa isang bahagi ng ulat ng BOC-Clark kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Nang suriin ng PDEA, positibong ‘methamphetamine hydrochloride’ (shabu) ang nasabat na kontrabando – hudyat para ikasa ang isang joint controlled deli­very operation sa nakatalang address sa Baliuag, Bulacan.

Hindi naman tinukoy ng BOC ang pagkakakilanlan ng dalawang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

“The Bureau of Customs remains committed to safeguarding our borders against the entry of illegal drugs and continues to enhance its anti-smuggling measures, in line with the priority programs of Commissioner Bienvenido Y. Rubio,” sambit sa bukod na pahayag ni BOC-Clark District Collector Atty. Elvira Cruz.

Sa datos ng BOC-Clark, ang matagumpay na operasyon kontra illegal drug smuggling ay ikapito na ngayong taon. Ang katumbas na halaga ng nabulilyasong droga – tumataginting na P60 milyon.   (JO CALIM)

101

Related posts

Leave a Comment