P19-M DROGA, INABANDONA NG NERBYOSONG DAYUHAN

Ni JOEL O. AMONGO

 

NAPAGTANTO marahil ng isang dayuhang courier na mahihirapan siyang palusutin ang bitbit na droga papasok ng bansa kaya ang kanyang ginawa – iniwan na lang ang nasa P19-milyong halaga ng droga mula sa bansang Uganda.

Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), natagpuang abandonado sa isang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang drogang laman ng isang maleta.

Nang suriin ang bagahe, lumalabas na dumating sa NAIA Terminal 1 ang naturang kontrabandong pag-aari ng isang Uganda national na sakay ng Ethiopian Airlines flight ET628 noong Mayo 17.
Nang isinailalim sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), positibong shabu ang nasabat na kontrabando.

“The luggage belonged to a Ugandan passenger and arrived in the Philippines, via Ethiopian Airlines flight number ET628 and Philippine Airlines flight number PR 737. The luggage underwent X-ray, K9 sniffing, and 100% physical examination, which revealed 2.846 kilograms of shabu hidden inside a range of tools along with other personal effects. PDEA confirmed the estimated value of the seized shabu to be Php19,352,800,” ayon sa pahayag ng BOC.

Tiniyak ng PDEA ang patuloy na pagsasagawa ng imbestigasyon sa layuning dakpin at panagutin sa batas ang dayuhang may bitbit ng imported na droga.

Samantala, binigyang pagkilala naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang mga alistong kawani ng Port of NAIA sa ipinamalas na sigasig at husay kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa drug-smuggling.

90

Related posts

Leave a Comment