$20B IPINUSLIT NA EPEKTOS KUMPISKADO MULA ENERO

0

SA kabila ng peligro na dulot ng pandemya, hindi nagpa­tinag ang mga sindikato sa likod ng mga smuggling activities sa bansa – isang bagay na pinaghandaan ng Bureau of Customs (BOC) bunsod ng direktibang tiyakin ang pagkolekta ng husto at naaayon sa mga lumalabas at pumapasok ng kargamento.

Ayon mismo sa Department of Finance (DOF), naging epektibo ang BOC sa pagtupad ng kanilang mandato. Patunay pa anila ang halos $20-bilyong halaga ng epektos na nakum­piska ng kawanihan mula Enero ng kasalukuyang taon – kabilang ang P15-bilyong halaga ng mga counterfeit merchandise na nasabat sa unang semester ng 2021.

Pasok din sa talaan ng mga nasabat ng BOC ang umano’y P1.9-bilyong halaga ng droga sa loob din ng kalahating taon.

May katumbas na halagang P1.2 bilyon naman ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nakum­piska ng BOC sa ilalim ng mas mahigpit na border security sa mga port of entries sa 17 rehiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Binigyang pagkilala naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanilang mga kawani at operatibang matiyagang nakibahagi sa 615 operasyon ng kanilang ahensya.

Mula Enero ng kasalukuyang taon, nasabat din ng nasabing kawanihan ang P887.6 milyong halaga ng iba’t ibang kalakal (general merchandise), P267.3 milyong halaga ng mga produktong agrikultura, cosmetic products, personal protective equipment (PPE) at mga medical supplies para sa kabuuang halagang P182.5 milyon.

“The BOC also seized P290-million worth of currency, jewelry, fuel, chemicals, steel products and other items,” ayon pa sa pahayag ng DOF.

Kumpiskado rin sa mahigpit na pagbabantay ng mga puwerto ang iba’t ibang klase ng sasakyang may kabuuang halagang P77.5 milyon, P56.6-milyong halaga ng ukay-ukay, P23.6-milyong halaga ng mga electronic products at piyesa nito, P3.9-milyong halaga naman
ng mga exotic at endangered animals.

Bahagi rin ng ulat na isinumite ni Guerrero sa DOF ay ang pagsasampa ng 67 kasong criminal laban sa 217 pinaniniwalaang smugglers.

Sapul din ng kasong administratibo ang 48 customs brokers na nanganganib na matanggalan ng lisensya ng Professional Regulatory Commission (PRC) sakaling mapatunayang nagkasala.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment