360 CASINO POKER CHIPS ITINURN-OVER NG BOC-ILOILO SA PAGCOR

MATAGUMPAY na isinagawa ang formal turn-over ng Bureau of Customs – Port of Iloilo sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Region VI ng kumpiskadong casino poker chips noong Agos­to 16, 2023.

Ang turnover ng kum­piskadong poker chips ay pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC)-Port of Iloilo, District Collector Giovanni N. Imaysay, kasama sina Deputy Collector for Operations, Ms. Luvizminda D. Aragon, at ang mga miyembro ng Auction and Cargo Disposal Unit, at ipinasa kay PAGCOR Treasury Officer, Mr. Arturo Badilla, Jr., sa Iloilo Customhouse Building, Iloilo City.

Kasama sa sumaksi sa isinagawang turnover ang mga opisyal ng Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, at Commission on Audit resident auditor.

Ang disposal ng 360 poker chips na may iba’t ibang denominations, at iba pang gambling paraphernalia ay naaayon sa Section 1147 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Section 10.2 ng Customs Administrative Order No. 03-2020.

Ang nasabing gambling paraphernalia ay nakum­piska sa Kalibo Internatio­nal Airport at Boracay Airport noong Nobyembre 2022 at Enero 2023.

Sa ilalim ng pamumuno ni Collector Imaysay at sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang BOC-Port of Iloilo ay nananatili sa pangakong pagpapalakas sa border control laban sa pagpasok ng ipinagbabawal na mga kalakal sa Western Visayas region.

(JOEL O. AMONGO)

97

Related posts

Leave a Comment