BOC NAGSAGAWA NG COLLECTORS CONFERENCE SA PORT OF BATANGAS

PARA sa pagsisikap na pagbutihin pa ang kahusayan sa customs administration, pinulong ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang lahat ng pangunahing mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang Collectors’ Conference.

Noong Agosto 11, 2023, sa Port of Batangas, ay tinipon ang Assistant Commissioners, Deputy Commissioners, Service Directors at District Collectors upang talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa operasyon ng ahensya at hinaharap na direksyon nito.

Pinangunahan ng Bureau of Customs – Port of Batangas ang komperensiya na nagsilbi bilang daan para sa ‘strategic discussions, fostering collaboration, and aligning efforts to propel the Bureau’s mission, vision and priorities.’

Kabilang sa isinagawang talakayan ang mga update at diskarte para dagdagan ang revenue collection, pag-streamline sa trade processes, pagpapatibay sa border protection operations, at personnel empowerment sa pamamagitan ng capacity building and training initiatives.

Samantala, ang Port of Manila, Port of Tacloban, at ang Risk Management Office of the Intelligence Group ay ginawaran ng kani-kanilang ISO 9001:2015 Quality Management System Certifications na inisyu ng TUVSUD.

Kaugnay nito, pinuri ang mga ito ni Commissioner Rubio sa kanilang matatag na pangako sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo at pagsunod sa international standards.

Nagpasalamat at binati rin ni Commissioner Rubio ang Port of Batangas, sa pangu­nguna ni District Collector Ma. Rhea Gregorio, sa pag-host sa Collectors Conference.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rubio at sa suporta ng lahat ng Bureau officials and personnel, ang BOC ay patuloy sa pagsisikap para iangat ang pangkalahatang pagganap nito at kahusayan sa paggawa ng makabuluhang kontribusyon sa progreso ng bansa.

(JO CALIM)

216

Related posts

Leave a Comment