All time record-high P7.5B SWAK SA 1 ARAW!

Ni JOEL O. AMONGO

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., muling nagpakitang-gilas ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) matapos makapagtala ng panibagong record-high single-day collection.

Sa datos na isinumite ng BOC Financial Service Office sa Department of Finance (DOF), tumataginting na P7.510-bilyon ang nalikom ng naturang ahensya para lang sa isang araw – malayo sa P6.074 bilyon na naitala noong Oktubre 14 ng nakalipas na taon.

Ayon sa BOC, naitala ang record-breaking single-day collection noong ika-28 ng Abril ngayong taon.

Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang ipinamalas na sigasig at husay ng mga BOC personnel ay patunay ng suporta kawanihan sa programa ng administrasyon.

Ani Rubio, malaking bentahe sa kawanihan ang patuloy na implementasyon sa mga reporma at reglamento ng ahensya – “The remarkable performance can be attributed to our continuous efforts to implement proper valuation resulting in a drastic increase in our revenue collection.”

“Our record-breaking daily collection demonstrates our commitment to achieve the target and contribute to the admi­nistration’s efforts to generate funds for various programs and projects,”

Partikular din niyang binigyang pagkilala ang suporta ng mga negosyanteng nagbabayad ng wastong buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento.

Pagtitiyak pa ng BOC chief, mas pag-ibayuhin pa ng kawanihan ang pangangasiwa sa kalakalan sa mga pantalan at paliparan.

“Well so better next time,” pahabol ng commissioner.

84

Related posts

Leave a Comment