BOC NAG-DONATE NG 5,038 MOBILE GADGETS SA DEPED

Bilang bahagi ng pagsisikap upang mai-akma ang edukasyon sa tinatawag ngayong “new normal”, nag-donate ang Bureau of Customs (BOC) ng nga mobile gadgets sa Department of Education (DepEd) para gamitin sa ginagawang online lear­ning program.

Ang turn over ay isinagawa sa BOC Situation Room sa Maynila na dinaluhan ni Department of Education Secretary Leonor M. Briones at Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at Department of Finance Secretary Carlos G. Dominguez sa pamamagitan ng kaniyang virtual presence.

Nakiisa rin ang Bureau’s deputy Commissioners at mga kinatawan mula sa Port of Clark sa pangunguna ni District Collector Ruby Claudia M. Alameda.

Umaabot ng kabuuang 5,038 devices ang ibinigay na gadgets ng BOC sa DepEd na kinabibilangan ng mga Oppo A9 at A31 mobile phones, pati na rin ang Huawei Mate mobile devices.

Ang gadgets ay bahagi ng nasabat na kalakal ng Port of Clark matapos na may magtangaka na ipuslit ito mula sa Clark Freeport Zone.

Sa pamamagitan ng mga probisyon ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at may pahintulot ni Finance Secretary Dominguez, inaa­sahang ang donasyon ay makapagbibigay ng benepisyo sa mga estudyante na apektado ng COVID-19 pandemic at para na rin sa maayos na implementasyon ng DepEd’s online learning program.

Habang ang bansa ay unti-unting bumaba­ngon mula sa epekto ng COVID-19, ang Bureau of Customs ay patuloy sa pagsisikap na makapagbigay serbisyo sa publiko. (Joel O. Amongo)

28

Related posts

Leave a Comment