BOC NAGBABALA VS PARCEL/LOVE SCAM

MULING nagpalabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mapagsamantalang mga tao na nambibiktima ng mga inosenteng mamamayan.

Ayon sa BOC, dapat maging maingat sa mga tawag, mensahe, o email na nagsasabing mayroon kayong package o parcel na nakabinbin sa BOC.

Nakasaad sa nasabing mensahe na kinakailangan ninyong magbayad thru personal bank account o mo­ney remittance upang ito ay mailabas. Madalas ay nagpapanggap ang scammers na taga-BOC o foreigner.

Idinagdag pa ng BOC na ang pagbabayad ng customs duties and taxes ay maaari lang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AAB).

Sinabi pa ng BOC, kung sakaling makaengkwentro ng ganitong uri ng panloloko, mag-check muna sa website ng DTI kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.

Maaari rin kayong ma­kipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung ang resibo, tracking number, at iba pang dokumento na inyong natanggap ay totoo o pekeng impormasyon lamang.

142

Related posts

Leave a Comment