IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasama ang kanilang mga empleyado at pangunahing stakeholders, ang mahigit anim na dekadang serbisyo publiko sa ilalim ng temang “Beyond Borders: A New Era for Digitalization and Customs Excellence.”
Sa nasabing anniversary celebration kamakailan, si District Collector Atty. Yasmin Mapa ay binigyan-diin ang kahanga-hangang tagumpay at progreso ng BOC-NAIA.
Itinampok ni Collector Mapa ang port’s outstanding revenue collection performance, na nakakolekta ng kabuuang P31.3 billion na kita mula Enero hanggang Setyembre 2023.
Ito ay nakalagpas sa collection target na P1.1 billion para sa nasabing panahon na sumasalamin sa pagtaas ng P1.3 billion kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Dito ay binibigyan-diin ang tagumpay ng tuloy-tuloy na pangako ng BOC-NAIA sa pag-aambag para sa pangkalahatang targets ng Bureau.
Kinilala rin ang kahalagahan ng streamlined na proseso ng customs na naabot ng BOC-NAIA na isang milyahe noong Agosto 2023 dahil sa pagkakapasa ng kanilang Second Surveillance Audit for ISO Quality Management System Certification.
Sa 23 enrolled ISO-certified processes and 10 ISO support processes, ang nabanggit na port ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng certified processes sa lahat ng BOC ports.
Ang sertipikasyon na ito ay sinisiguro ang ‘international recognition’ para sa ‘cargo clearance procedures, promoting ease of doing business for passengers and stakeholders.’
Ang BOC-NAIA ay nananatili sa matatag nilang mga patakaran sa pagpapatupad ng mga batas, na humadlang at humarang sa narcotics na umabot sa P994 million ang street value noong 2023.
Binigyang-diin ni Collector Mapa ang mahalagang papel ng port sa pagpigil ng pagpasok ng mga ilegal na kalakal, pagsamsam ng kabuuang P1 billion na halaga ng drugs, jewelry, wildlife,
currencies, medicines, at iba pang regulated items.
Ang port ay nakatanggap din ng pagkilala mula sa Department of Environment and Natural Resources sa paglaban sa wildlife smuggling.
(JOEL O. AMONGO)
231