BOC OFFICERS KINILALA SA MAAYOS NA PAGTUGON SA MGA REKLAMO

PINAPURIHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang ilang mga opisyal nito sa kanilang epektibong pagtugon sa mga reklamo.

Ito ay bilang paglaban ng gobyerno sa korupsyon, pagbabawas sa red tape, at pagpapabilis ng mga transaksyon sa gobyerno.

Kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala ang BOC – Customer Assistance and Response Services (CARES), Intelligence Group, Internal Administration Group, Port of Manila, Manila

International Container Port (MICP), at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon.

Ito ay pamamagitan ng kanilang pagbibigay ng maaasahan, mapagkakatiwalaan at epektibong public services na makatutulong sa pagbabawas ng korupsyon at pagpapaunlad ng stakeholder experiences.

Ito ay bilang pagtupad sa Executive Order No. 6, s. 2016, “Institutionalizing The 8888 Citizens’ Complaint Hotline and Establishing The 8888 Citizens’ Complaint Center.

Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay ng gantimpala ng Bureau para sa kahusayan sa public service na bahagi ng BOC’s 5-point priority plan for 2023 na ang layunin ay maiangat ang kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.

(JO CALIM)

184

Related posts

Leave a Comment