NAHULI ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang Bolivian traveler mula Addis Ababa, na dumating sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines Flight ET 644, na may dalang cocaine sa loob ng kanyang bagahe.
Bunsod ng derogatory report mula sa foreign counterpart, ang passenger’s luggage ay naging pakay ng mahigpit na screening, kasama ang X-ray scanning at lubusang physical examination, na naging daan ng pagkakadiskubre sa 8.99 kilograms ng cocaine na nakalagay sa loob ng candy wrappers, na tinatayang P47.7 milyon ang halaga.
Kaugnay nito, pinuri ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang sama-samang walang humpay na pagsisikap ng kalalakihan at kababaihan ng Port of NAIA at partner agencies, sa pagprotekta ng country’s borders laban sa mga tangkang pag-smuggle ng illegal drugs at anti-social goods.
Ang naarestong pasahero ay kinasuhan sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at Republic Act No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang BOC-NAIA ay nananatili na matatag sa pagganap ng mandato ng port lalo sa pagpigil sa pagpasok ng mga ilegal na kalakal sa bansa.
Simula noong Enero 2023, ang BOC-NAIA ay nakapagtala ng 59 na pagkahuli na may kinalaman sa tangkang smuggling ng illegal drugs, na tinatayang umabot sa P1.01 bilyon.
(BOY ANACTA)
312