CLAIMANT TIMBOG SA P4M KUSH

Ni JOEL O. AMONGO

ARESTADO sa pinagsanib na operasyon kontra drug smuggling ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 27-anyos na claimant kaugnay ng inangkat na droga mula sa Estados Unidos.

Sa kalatas ng BOC, aabot sa halos P4-milyong halaga ng imported kush (high-grade marijuana) ang nasamsam mula sa suspek na kinilala sa pangalang Jeric Herrera ng Sta. Cruz, Maynila.
Bago pa man ang pagdakip kay Herrera, nabisto ng mga aBOC personnel ang nasa halos dalawa at kalahating kilo ng kush na ikinubli sa kargamentong lumapag sa Port of Clark noong Abril 11 ng kasalukuyang taon

Nang ipasuri sa PDEA, positibong marijuana – hudyat para ikasa ang controlled delivery operation sa claimant na nakatala sa dokumentong kalakip ng bulilyasong kargamento.

Pagdating sa nakatalang address, agad na dinakma ang suspek sa aktong pagtanggap ng drogang laman ng isang malaking kahon.

Sa rekord ng kawanihan, nakadeklarang ‘herbal tea’ ang kargamentong inangkat di umano ni Herrera mula pa sa Estados Unidos.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PDEA sa hangaring matukoy at matunton ang iba pang kasama ni Herrera na nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

119

Related posts

Leave a Comment