CROSS-BORDER COLLABORATION PINALAKAS NG BOC SA APEC

GUMANAP ng aktibong papel ang Philippine Bureau of Customs (BOC) sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Third Senior Officials’ Meeting na isinagawa sa Seattle, Washington, United States of America noong Agosto 1 hanggang 5, 2023.

Ang APEC, isang samahan na binubuo ng 21 member economies, kasama ang global giants tulad ng United States, China, Russia, Japan, Australia, at sampung mga bansa na bumubuo ng

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ay naitatag noong 1989 na may pangunahing layunin na pagsusulong ng ‘trade and investment liberalization and facilitation across international borders.’

Bilang bahagi ng Phi­lippine delegation sa pa­ngunguna ng Department of Trade and Industry, ang BOC ay gumawa ng makabuluhang hakbang sa isinagawang APEC meetings.

Ang BOC ay kinatawan nina Deputy Commissioner Edward James A. Dy Buco ng Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG), Collector Romeo Allan R. Rosales, District Collector ng

Manila International Container Port (MICP), at Collector Carmelita M. Talusan.

Ang delegasyon ng BOC ay aktibong nakiisa sa serye ng APEC meetings, kasama ng Alliance for Supply Chain Connecti­vity (A2C2) noong Agosto 1, 2023, at APEC Customs-Business Dialogue (ACBD) na may temang “Women in Trade” noong Agosto 2, 2023.

Habang ang Sub-Committee on Customs Procedures (SCCP) sessions ay isinagawa mula Agosto 3 hanggang 5, 2023.

Ang BOC delegation na nanguna sa mahalagang mga paksa kasama na ang mga prayoridad na umabante para sa SCCP sa taong 2023, ay tinalakay ang ‘engagement with key stakeholders, advancement of Green Customs initiatives, harnessing digitalization efforts, pandemic response and recovery strategies, enhancing security and streamlining facilitation within supply chains, effective implementation of the WTO Trade Facilitation Agreement (WTO-TFA), and promotion of inclusivity and empowering women in trade.’

Bukod dito, ang BOC delegation ay nakatuon sa pagpapatibay ng relasyon na itinatag sa loob ng limang sesyon at nagpatuloy sa iba pang pagpupulong ng APEC member economies.

Ito ay upang mapadali ang kalakalan at i-streamline ang mga proseso ng customs na kahanay sa umuusbong na pag-unlad sa teknolohiya at pagkapantay-pantay.

(JO CALIM)

67

Related posts

Leave a Comment