BATA TINAMAAN NG KIDLAT SA DAGAT

LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat sa Barangay Dalahican, sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon.

Ayon sa report ng Lucena police, dakong alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng biglang pagbuhos ng ulan sa Lucena at katabing lugar dulot ng pag-iral ng thunderstorm.

Kinilala ang biktimang si John Alexander Lagrazon Ballon, Grade 5 student, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ina ng biktima, kasalukuyang naliligo sa dagat ang kanyang anak nang biglang gumuhit ang sunod-sunod na matatalim na kidlat at tinamaan ang kanyang anak.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor dahil sa electric shock.

(NILOU DEL CARMEN)

 

161

Related posts

Leave a Comment