Husay ng BOC-NAIA, CAIDTF at IADITG 2 TIMBOG SA P9.58-M ECSTASY

0

Ni JOEL O. AMONGO

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC-NAIA), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at NAIA-Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang claimants ng 5,637 tablets ng ecstasy nitong Hulyo 12.

Ang nasabing “party drugs” ay P9.58 milyon ang halaga.

Ang claimants ay nakilalang sina Ma. Isabella Albano (consignee ng bagahe) at Jessica Muñoz.

Nakilala sila, sa pamamagitan ng kanilang mga identification cards.

Batay sa report, dakong 1:00 ng hapon noong Hulyo 12 nang maaresto ang dalawa ng pinagsamang mga elemento ng BOC-NAIA, CAIDTF at NAIA-IADITG.

Nakasaad sa rekord ng BOC, dumating ang mga bagaheng nagmula sa Neus, Germany sa NAIA noong Hunyo 28.

Idineklarang “children’s toys, Somer sandals, bag socks, pants, rainboots at birthday stock” ang nilalaman ng mga bagahe.

Ngunit, nadiskubreng ecstasy pala ang totoong laman ng mga bagahe nang isailalim ang mga ito sa non-intrusive x-ray scanning ng X-ray Inspection Project (XIP- NAIA) at ng K-9 sniffing procedure.

Sa 100% physical examination na isinagawa ng Customs examiner, ang mga bagahe ay natukoy na naglalaman ng 5,637 ecstasy tablets.

Dahil sa naganap, ina­sunto sina Albano at Muñoz ng paglabag ilang probisyon ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Seksiyon 1400 at 1401 ng Republic Act 10863 na may kaugnayan sa Seksiyon 119 ng parehong batas na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Malaking iskor sa kampanya ng BOC laban sa iligal na droga ang mahusay na operasyon ng BOC-NAIA, CAIDTF at NAIA-IADITG.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment