IMPORTER STRIKE 2 SA MICP

WALA pang dalawang linggo ang nakalipas, muling nabulilyaso ng mga alistong tauhan ng Manila International Container Port (MICP) ang panibagong tangka ng isang importer na magpuslit ng mga produktong agrikultura mula sa bansang Tsina.

Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), nasabat ng mga operatiba ng MICP ang P6-milyong halaga ng mga sibuyas na laman ng isang 40-foot container na una nang idineklara ng kumpanyang Silverpop Dry Goods Trading bilang “steamed buns” mula sa bansang Tsina.

Buwan ng Hunyo nang mahagip naman ng MICP ang isa pang kargamentong nag­lalaman ng ng mga carrots na inangkat diumano ng naturang kumpanya.

Ani Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na una nang naglabas ng babala laban sa pagkaladkad ng kanyang pangalan, patunay aniya ang pagsabat ng mga smuggled agri-products ng Silverpop Dry Goods Trading, na seryoso ang kampanya ng kanyang tanggapan laban sa smuggling na ayon sa kanya’y nagdudulot ng labis na pasakit sa hanay ng mga magsasakang Pilipino.

“We are confident of the kind of work that we do, especially when it comes to stopping the smuggling of agricultural products.

We take it very seriously. That is why we make an exception to allegations that the agency is doing less than stellar performance in ending agricultural smuggling,” diin pa ni Guerrero.

Binigyang pagkilala naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang mga impormanteng nagtimbre sa naturang kargamentong naglalaman ng mga smuggled na gulay.

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa pagkonsumo ng mga pagkaing hindi dumaan sa wastong proseso ng pagsusuri bago pa man pahintulutang ibenta sa merkado.

“We continue to man our borders against illegal shipments of agricultural products. This is a continuous effort and we will not rest until we put an end to these attempts of running through our importation laws,” sambit ni Ramiro.

Pagtitiyak ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales, sasampahan ng patong-patong na asunto ang nasabing kompanya at maging yaong mga nakatalang opisyales nito. (JO CALIM)

55

Related posts

Leave a Comment