KONTAMINADONG IMPORTED FOOD, BANTAY-SARADO

SA bisa ng isang kasunduan sa hanay ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ga­nap ng umarangkada ang mekanismong magbibigay-daan para mapigilan ng pagpasok ng mga kontaminadong pagkain.

Sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC), sinimulan na rin ang palitan ng Electronic Phytosanitary (e-Phyto) Certificates sa mga karatig bansa ng Thailand at Indonesia.
Sa halip na papel, gagamitan ng angkop na teknolohiya ang paglabas ng mga Phyto Certificates na patunay na ligtas at legal ang produktong agrikulturang mula at patungo sa sa mga nabanggit na estado sa Asya.

Babala ng BOC sa mga negosyanteng gumagamit ng mga palsipikadong Phyto Certificates, hindi na makalulusot sa mga pantalan at paliparan ang mga produktong agrikultura hangga’t walang kumpirmasyon mula sa pinagmulang bansa.

Kabilang sa mga target pigilan ang pagpasok ng isda, baboy, baka, manok at iba pang posibleng kontaminado ng laganap na sakit ng mga hayop tulad ng African Swine Flu, red tide at iba pang peligroso sa kalusugan ng mga tao.

Katuwang ang Bureau of Plant Industry, tiniyak ng kawanihan ang mahigpit na pagbusisi sa pagpasok ng mga agri-products sa mga pantalan at paliparan. (BOY ANACTA)

80

Related posts

Leave a Comment