MARITIME LAWYERS OATHTAKING CEREMONY PINANGUNAHAN NI GUERRERO

Bilang pagpapalakas sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang organisasyon at mga ahensiya para mapahusay ang maritime trade, ang mga miyembro ng Maritime Law Association of the Philippines (MARLAW) ay bumisita sa Bureau of Customs (BOC) para sa kanilang oathtaking ceremony noong Enero 21, 2021.

Sa isang simpleng seremonya, ang mga bagong halal na Board of Trustees ng ­MARLAW ay nanumpa sa harapan ni Commission Rey Leonardo Guerrero bilang inducting officer.
Ang MARLAW ay nabuo noong 1982, isang samahan ng mga abugado na may kinalaman sa pagpa-practice ng maritime law.

Ang BOC bilang isa sa mga pangunahing ahensiya na may kaugnayan sa kalakalan sa karagatan ay isinusulong din ang maayos na koordinasyon at pakikipagtulungan sa legal practitioners upang magawang lubusan ang kanilang pangunahing mandato, ang Revenue Collection, Border Security at Trade Facilitation.

Kasunod ng panunumpa ay nagsagawa ng tour sa BOC premises ang mga opisyal at miyembro ng MARLAW at doon ay nabigyang pansin nila ang bagong programang pang-modernisasyon ng BOC at ito ay ang itinatag na Customs Operation Center o COC.

Pinasalamatan naman ng MARLAW sa pangunguna ni Board of Trustees President Atty. Ferdinance Nague ang mainit na pagtanggap sa kanila ni Commissioner Guerrero kasabay ng pagpapahayag ng paghanga sa modernisasyon ngayon sa BOC.

“MARLAW officers are indeed in awe and admiration to the current Customs system and technology enhancement and thus would like to ­congratulate Comm. Guerrero and the entire BOC family for being resilient at the height of the pandemic and for staging the state of the art Customs Operation Center facility ­making the Philippine Bureau of Customs a world class Customs administration we are all truly proud of,” ayon kay Atty. Nague.

Bunsod nito, patuloy ang gagawin ng BOC na ­pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga samahan na may kaugnayan sa kalakalan upang lalo pang mapalakas ang pag-kolekta ng buwis na naaayon sa batas, pagpapalakas ng border security, at pagpapahusay ng kalakalan sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.(Joel O. Amongo)

71

Related posts

Leave a Comment