MGA HUWARANG KAWANI KINILALA NG BOC-CLARK

KUNG meron mang dapat kilalanin sa likod ng walang puknat na tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) sa pagkamit ng higit pa sa itinakdang target collection, sila yaong mga kawa­ning nagpamalas ng sigasig, husay at katapatan sa pagganap sa mandatong kala­kip ng trabaho.

Sa kalatas ng BOC-Port of Clark, personal na binigyan ng pagkilala ni District Collector John Simon ang mga kawani sa nasasakupang distrito, kaugnay ng matapos magtala ng nakamamang­hang 17.88% increase sa monthly collection target ng BOC-Clark sa mga nakalipas na buwan.

Bukod sa aspeto ng koleksyon, pinarangalan din ni Simon ang mga buwis-buhay na ope­ratiba sa likod ng matagumpay na operasyon kontra droga sa nasasakupang distrito.

Katunayan aniya, nagtamo ng gradong ‘very satisfactory’ ang BOC-Clark batay sa datos na nakalap mula sa ‘digital feedback system’ ng pinamumunuang distrito.

Maging ang mga em­pleyadong nagpuyat para tiya­king makakarating sa mga kaanak ng mga OFW ang padalang balikbayan boxes, hindi ring nakaligtaang parangalan ni Simon.

Kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala ang mga kawani mula sa Customs Examiners, Enforcement and Intelligence, X-ray Inspection Project, at lahat ng divisions ng BOC-Clark.

Para kay Simon, hindi posib­le ang tagumpay ng kanyang distrito kung hindi sa pagpupursigi ng kanilang mga em­pleyado. (BOY ANACTA)

279

Related posts

Leave a Comment