SMUGGLED YOSI HAGIP SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P1.2-milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo ang naibuslo ng lokal na pulisya sa Lungsod ng Zamboanga.

Ayon kay Zamboanga City Police chief Col. Alexander Lo­renzo, nakatakda na ring ilipat ng lokal na pulisya ang kustodiya ng mga nasamsam na kargamento sa Bureau of Customs (BOC).

Sa ulat na isinumite ng Zamboanga PNP sa BOC, dakong alas-3 ng madaling araw nang ilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbiyahe ng isang trak na puno ng kontrabando.

Pagdating sa Barangay San Roque, lugar na binanggit ng impormante, agad na natunugan ng mga suspek ang operasyon ng pulisya – hudyat para sa mabilis na pagtakas ng tsuper at mga pahinante ng trak.

Sa imbentaryo, umabot sa 34 master cases ng iba’t ibang klase ng mga imported na sigarilyo (katumbas ng P1.19 milyon) ang nasamsam at nakatakdang dalhin sa BOC-Port of Zamboanga
Bago pa man ang naturang insidente, tatlo katao rin ang dinakip sa Barangay Manalipa kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa bentahan ng mga smuggled yosi.

(JO CALIM)

518

Related posts

Leave a Comment