MODERNONG CUSTOMER CARE CENTER ITINAMPOK

SA bisa ng isang direktibang nagsusulong ng bukas na talaan ng mga transaksyon kaugnay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan ang mas pinahusay na Customer Care Center, isang tanggapang kagyat na tumutugon sa mga idinudulog na isyu kalakip ng usapin sa kalakalan.

Batay sa Customs Administrative Order (CAO) 09-2022 (Institutionalizing Transparency in Delivery of Services Through the Establishment of the Bureau of Customs Customer Care Centers), pinalawak na rin ang saklaw ng naturang tanggapang naatasang maglabas ng BOC database bilang tugon sa mga idinudulog na problemang kalakip ng kargamento, kaalaman sa proseso at maging
sa mga wastong paraan ng pakikipagtransaksyon sa naturang tanggapan ng pamahalaan.

Sa hangaring tiyakin ang mas malawak na saklaw ng serbisyong kalakip ng naturang tanggapan, nagtaguyod ang BOC ng mga CCC sa 17 district collection offices at subports ng naturang kawanihan kung saan direktang pangangasiwaan ng kani-kanilang CCC ang “centralized document receiving and releasing, information area for inquiry and other general concerns, payment center, pass control,” at iba pang hinaing ng publiko.

May mga itinoka na ring mga tauhan para sa bawat hinaing, paglilinaw at idinudulog na usapin – Supervising Public Relations Officers, Assistant Head, Document Receiving Officer, Document Releasing Officer, Document Sorting Officer, Document Distribution Officer, and Client Service Specialist, National Collecting Officer, Pass Control Officer, at iba pang kawaning inatasang gampanan ang tukoy na tungkulin sa CCC.

Ang CCC, na direktang nasa ilalim ng tanggapan ng district collection chief, ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes alinsunod sa reglamento hinggil sa government working hours.

102

Related posts

Leave a Comment