(Ni Joel O. Amongo)
BILANG pagtupad sa mandato ng Bureau of Customs (BOC) para mangolekta ng makatuwirang buwis para sa gobyerno, nalagpasan ng Port of Tacloban ang kanilang November target.
Batay sa ulat ng BOC-Port of Tacloban, nakapagtala sila ng positibong lagpas na 65.2 porsyento ng kanilang koleksyon para sa nasabing buwan.
Ang Port of Tacloban, kasama ng kanyang Subports (Isabel at Catbalogan) ‘as of November 30, 2019’ ayon sa kanilang ulat, ay positibong sumobra sa kanilang target.
Ang kanilang actual na nakolekta ay umabot ng P70,938,330, na 65.2 porsiyentong mas malaki sa nakatalaga sa kanilang target na P42,934,665.33.
Kung kaya’t nakapagtala sila ng sobrang P28,003,664.67.
Ang nasabing magandang koleksyon ay sa pamamagitan ng kooperasyon at pagsisikap ng personnel of Port of Tacloban, sa pamumuno ni Collector Francis T. Tolibas.
Ito ay sa tulong na rin ng Subport of Isabel, sa pamumuno nina Collector Lourdita M. Tupa at Collector Paulino K. Cabello Jr. ng Subport of Catbalogan.
Ayon sa Port of Tacloban, kaya nalagpasan nila ang kanilang month’s target ay dahil sa mahigpit na implementasyon at tamang valuation of goods at tamang assessment at collection ng duties and taxes.
169