UMABOT ng halos P80 bilyong kabuuang kita ang natamo ng Bureau of Customs (BOC) na lagpas sa kanilang October 2023 target collection.
Sa preliminary data, nabatid na ang BOC collections ay umabot ng P78.616 billion noong Oktubre, nakapagtala ng 1.4 porsyentong pagtaas o P1.084 billion na mas mataas sa kanilang collection target para sa nasabing buwan.
Para sa ten-month period mula Enero hanggang Oktubre 2023, ang BOC revenues ay umabot ng P739 billion, na 2.4 porsyento o P17.287 billion na mas mataas sa kanilang P721.717 billion target collection para sa nabanggit na panahon.
Ang kita ngayong taon ay tumaas din ng 3.57 porsyento o P25.482 billion mula sa nakaraang taon sa koleksyon na P713.522 billion.
Noong Oktubre 18, 2023, ang BOC ay pinalakas pa ang kanilang mabilis na kalakalan na bunga ng pagsisikap sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa PHLPOST na naglalayong maipatupad ang ‘expediting clearances, enhancing security controls, and simplifying customs procedures.’
Ayon kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang kahanga-hangang koleksyon ay nagpapakita ng dedikasyon at kahusayan ng bureau sa pagpapataas ng revenue collection at pagpapaganda ng pinadaling kalakalan bilang suporta sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
“Our relentless drive against smuggling and the implementation of trade efficiency measures significantly contributed to the increase in revenue collection. We are doubling our efforts to provide financial resources to support the government’s programs and projects,” ani Commissioner Rubio.
Bukod dito, pursigido rin ang BOC sa kanilang pagsusumikap sa digitalization sa pamamagitan ng pagbuo ng new systems at makabagong pasilidad para mas ma-streamline ang mga pamamaraan at mabawasan ang oras ng proseso sa import at export transactions.
(JOEL O. AMONGO)
289