P141-M SHABU NASABAT SA NAIA

SHABU-NAIA

MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City.

Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel.

Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na may street value na P141,440,000.

Dinala sa tanggapan ng PDEA ang mga nakumpiskang droga para sa pagsusuri habang nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Customs Mo­dernization Tariff Act ang importer ng nasabing kontrabando.

Ayon kay Guerrero, tuluy-tuloy ang gagawin nilang pagbabantay sa mga paliparan at daungan na kanilang mandato upang walang makalusot na mga kontrabando.   (JOEL AMONGO)

210

Related posts

Leave a Comment